Pakikiramay at Pakikidalamhati
Noong isang umaga, tumawag yung kapitbahay namin at binalita sa amin na namatay daw yung isang kapitbahay namin. Hindi ko masyadong kilala yung namatay pero sabi ng mga kapatid ko, kilala daw ng aking namayapang ina ang pamilya ng namatay. So I thought that I really have to go to the funeral and show respect and sympathy.
Pag-dating namin sa lamay, kunti pa lang ang tao, sinalubong ako ng asawa ng namatay na naka-ngiti sa akin na parang kilalang-kilala niya ako. Kinumusta niya at hinanap ang aking Ama at aking mga kapatid, so alam ko na talagang kilala niya ang aming pamilya. Nag-kakuwentuhan kami ng kaunti at na-ikuwento niya yung last moments niya with his wife. Namula ang mata niya and I was totally carried away. He is a simple man with a simple life. I am not a preacher but I shared some of the teachings I learned from reading the Bible. I was surprised that he patiently listened to what I have shared.
After some time sa lamay, nag-paalam na ako at nagsabi ako sa namatayan na babalik ako sa araw ng libing. Thanks God, I was able to fulfill my word and was able to be there sa araw ng libing. Mabigat ang pakiramdam ko noong araw ng libing. Sariwa pa din sa akin yung kalungkutan noong mamahinga ang aking mahal na ina. Naiyak din ako noong makita kong umiiyak yung mga naiwanan. Lumapit din ako sa kabaong and tapped the back ng namatayan.
Namatayan na din ako ng mahal sa buhay. Alam ko ang kalungkutan na nadarama habang lamay hanggang sa araw ng libing. Mas nakakatulong sa namatayan ang pakikiramay at pakikidalamhati kesa sa pera. Makita mo lang ang iyong mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay at mga kakilala sa lamay, malaking tulong din pala yun sa mga namatayan, Specially yung matagal mo nang hindi nakita tapos, makikita mong nasa lamay at araw ng libing, ang laki pala ng naitutulong nun sa namatayan.
Tama nga yung sabi ni Bro. Eli Soriano:
A kind gesture, a kind word, a kind look and a kind advise will bring comfort to a burdened feeling.
Noong araw ng libing ng aking ina, nagpasalamat ako sa lahat ng nakiramay at nakasama namin sa araw ng libing. Masaya ako at pinag-pahinga na ng Dios ang aking ina na matagal nang may karamdaman. Pero siyempre, hindi ko napigilan ang mapaluha dahil naa-alala ko ang mga kabutihan sa amin ng aking ina. I miss her everyday. Umaasa na lang din ako na magkikita kami ulit sa langit na pangako ng Dios sa mga taong umiibig at sumusunod sa Kaniyang mga utos. Malawak ang pagmamahal at pagunawa ng Dios sa mga tao.
Kaya sana, kapag may nabalitaan kayong namatayan na kakilala ninyo, don't forget to show sympathy sa mga namatayan. Ang laking kaginhawaan yun sa mga nagdaramdam. I know it because I felt it. Let them know that God loves us and there's a reason for everything.